OWWA Region One, tuloy sa pagpapatupad ng kanilang programa

Tinututukan ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa rehiyon uno ang pagpapatupad ng limang pangunahing programa.

Ayon kay Justin Paul Marbella ng OWWA Regional Office One ang una ay ang pagbibigay ng social benefits, na sa ilalim nito ay entitled ang isang aktibong Overseas Filipino Worker o OFW ng death benefit na 120,000 hanggang 220,000 pesos, at disability benefit na 50,000 hanggang 100,000 pesos.

Ang pangalawa ay ang pagbibigay ng education, scholarship at training benefits na pangunahin nabibenipisyuhan ay mga seamen, ofws landbased at kanilang mga dependents.

Ang isa pang prayoridad na programa ng OWWA ay ang pagbibigay ng Welfare Assistance sa lahat ng OFWS na nakabase sa abroad at pati na rin ang mga nasa bansa.

Ang pang-apat naman ay ang Repatriation Program na ang mga nagkaka-problemang OFWS sa ibang bansa ay tinutulungan ng owwa na makabalik sa Pilipinas.

Mayroon ring reintegration program ang OWWA, sa ilalim nito ay ang Balik Pinas, Balik Hanapbuhay na sampung libong starter kit at ang two billion reintegration program na makaka-utang ang OFW ng 300,000 hanggang dalawang milyong piso.

Speak Your Mind

*