Pag-iimprenta ng mga balota, posibleng mapaaga

May posibilidad na matapos ng mas maaga ang pag-iimprenta sa mga balota na gagamitin sa 2016 elections.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na aabot na sa mahigit 10.5 million ang kabuuang mga balota na naimprenta na, katumbas 25 percent ng 54 million balota na kailangang maimprenta.

Mula sa 10.5 million ay 71 libo ang inulit ang pag-iimprenta dahil nagkamali ng pagputol sa mga balota.

Kung susumahin anya sa mahigit isang linggo na tuloy tuloy na pag-iimprenta ng National Printing Office ay lumalabas na aabot umano sa milyon ang printing capacity ng NPO kada araw.

Dahil dito, posible umanong mas maaga kaysa sa target deadline na April 25 ang pagtatapos sa ballot printing.

Speak Your Mind

*