Pagbaba ng jobless rate sa 4th quarter ng 2015, ikinatuwa ng DOLE

Natuwa ang Department of Labor (DOLE) sa ulat na pagbaba ng jobless rate sa bansa sa fourth quarter ng taong 2015.

Ito ay batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), na kung saan bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho.

Mula sa dating 23.7 percent ay bumaba sa 21.4 percent o katumbas na 9.1 milyon ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho na nasa edad disiotso pataas.

Ayon sa DOLE, ito na ang pinakamababang bilang ng mga pilipinong walang trabaho sa loob ng sampung taon.

Naniniwala ang DOLE na nakatulong ng malaki ang sektor ng Business Process Outsourcing (BPO) na kumukuha ng mga call center agents, at ang Small and Medium Enterprises (SME) sa sales at finance.

Speak Your Mind

*