Pagbuhay sa isyu ng Black Sand Mining, pulitika lang – Gov. Espino

Iginiit ni Pangasinan Governor Amado Espino Jr. na pulitika ang dahilan ng paglabas ng panibagong desisyon ng Office of the Ombudsman sa kaso kaugnay sa isyu ng black sand mining.

Dahil dito, inihayag ng gobernador na handa siyang maaresto at masuspendi sakaling ilabas na ang desisyon ng ombudsman.

Sinabi pa ni Gov. ESPINO na sakaling dumating ang arrest warrant laban sa kaniya ay maari naman siyang magpiyansa dahil bailable ang kaso ngunit kung siya ay suspendihin ay kaniya itong tatanggapin.

Una ng iginiit ni espino na tila planado ang paglabas ng desisyon ng Ombudsman dahil January 11, 2015 ang naturang kautusan subalit nitong February 10 lamang ipinalabas.

Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang desisyong kasuhan si Espino at sina dating Provincial Administrator Rafael Baraan at dating Provincial Housing and Homesite Regulation Officer Engr. Alvin Bigay dahil sa umano’y pagpayag nila na magkaroon ng black sand mining sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*