Pagkakaroon ng mall voting sa Urdaneta City, malaki ang posobilidad

Kinumpirma ng Election Officer ng Urdaneta City na hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Comelec En Banc para sa gaganaping Mall Voting sa syudad.

Tiwala si Miguel Bautista, Election Officer ng Comelec-Urdaneta na malaki ang posibilidad na matutuloy ang mall voting sa kanyang sakop na lugar.

Sinabi ni Bautista na sa isinagawang public hearing ay sang-ayon ang karamihan sa mga residente.

Tiniyak nito na kapag matutuloy ang Mall Voting ay walang mababago sa proseso at alituntunin sa eleksyon na ipinapatupad ng Comelec.

Mahigpit rin aniya ang pagbibigay ng seguridad ng mga otoridad sa lugar.

Speak Your Mind

*