Pagkunsidera ng presidential debate abroad, inalmahan

Susan OpleUmalma ang grupong Overseas Filipino Workers (OFW) sa naging panukala ni Senatorial candidate Susan Ople sa Commission on Elections (COMELEC) na ikunsidera ang pagdaraos ng presidential debate sa abroad.

Ayon sa Migrante International, pagsasayang lamang ng pondo ang mungkahing magkakaroon ng presidential debate sa Saudi Arabia at Hongkong kung saan maraming bilang ng OFWs.

Aniya, mas maigi na lamang na ilaan ang pondo na gagamitin sa repatriation ng mga undocumented OFWs.

Matatandaang una ng iminungkahi ni Ople na gaganapin ang ika-4 na Pilipinas Presidential Debate 2016 sa labas ng bansa para sa benepisyo ng 1.4-M absentee voters particular na sa mga OFW.

Speak Your Mind

*