Paglalagay ng missile ng China sa West Philippine Sea, kinumpirma ng DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na may advanced surface-to-air missile system ang China sa isla sa West Philippine Sea.

Sa panayam ng dzar sonshine radio kay DFA Spokesperson at Assistant Secretary Charles Jose, sinabi nitong nasa paracel island nga ang nasabing missile.

Ani Jose, bagamat mas malapit sa Vietnam ang naturang isla, nakakabahala pa rin ito dahil sa ang isla’y bahagi pa rin ng pinag-aagawang West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Jose, nangyayari na ang pinangangambahan aniyang militarisasyon sa pinagtatalunang teritoryo.

—-

PNOY, blangko pa sa mga ulat na naglagay na ng missile ang China sa West Philippine Sea

Wala pang impormasyon si Pangulong Noynoy Aquino sa mga ulat na naglagay ng missile ang China sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

Sa kanyang talumpati sa Los Angeles World Affairs Council Gathering, sinabi ni Pangulong Aquino na walang ambisyon ang Pilipinas na gumamit ng dahas pero kailangang igiit nito ang karapatan sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapa at legal na pamamaraan.

Umaasa ang pangulo sa paborableng resulta sa arbitration case na isinampa ng pilIpinas kontra China sa The Hague, The Netherlands.

Speak Your Mind

*