Pagquarantine sa mga manok sa Tarlac, ipinatulad ng DA

Ipinatupad na ng Department of Agriculture (DA) ang quarantine sa lahat ng manok sa buong lalawigan ng Tarlac.

Ito ay makaraang tuluyan nang kumalat ang epidemyang hatid ng newcastle virus o evian pest sa mga poultry farm at backyard poultry business sa lalawigan.

Nais ng DA na pansamantalang ikulong muna at manatili sa kanilang mga lugar ang mga manok upang maiwasan na mahawa o kundi man ay makahawa ng kapwa manok dahil sa newcastle virus.

Sa ngayon ay nasa milyong manok na ang iniulat na namatay at namamatay sa naturang virus at kabilang sa mga lalawigang sapul nito, maliban sa Tarlac na siyang hardly hit, ay ang Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, Pangasinan.

Speak Your Mind

*