Presyo ng mga produktong gawa sa soya beans, tataas

Pinangangambahan ngayon ng Department of Agriculture ang pagtaas ng presyo ng mga produktong gawa sa soya beans.

Ayon kay Saturnina Halos, Chair ng Biotech Advisory Team ng D-A, sakaling pagtibayin ng Korte Suprema ang ban sa importasyon ng genetically modified na uri ng mga plant products ay magkakaroon ng kakapusan sa suplay ng soya beans at mga poduktong gawa rito.

Ang Pilipinas aniya ay nag-aangkat ng 98 porsiyento ng soybean mula sa mga bansang ang produkto ay pawang mga genetically modified tulad ng Brazil, Argentina at Canada.

Sakaling ipagbawal ang pagpasok sa bansa ng mga genetically modified crops, posibleng tumaas ng hanggang 20 porsiyento ang mga produktong gawa mula sa soya beans tulad ng toyo at tokwa o tofu.

Speak Your Mind

*