Pagtagas ng tubig mula sa nasirang tubo ng Maynilad, natigil na

Natigil na ang pagtagas ng tubig mula sa nasirang tubo ng Maynilad sa Ramon Magsaysay Boulevard makalipas ang sampung oras.

Dahil dito, iniangat na ang malaking balbula ng Maynilad para mapalitan ang mga bumigay na tubo.

Umabot sa three thousand cubic meter kada oras o katumbas ng tatlundaang water tankers ang tumagas mula sa nasirang pipeline.

Ayon kay Engineer Ryan Jamora ng Maynilad, luma na rin ang pyesa kaya’t bumigay ito.

Tinatayang nasa higit isandaang libong residente sa Maynila ang posibleng mawalan ng tubig at water pressure dahil sa nagpapatuloy na pagkukumpuni.

Speak Your Mind

*