Pahayag ni Manny Pacquiao sa same-sex marriage, pinuna ng ilang senatoriables

Pinuna ng ilang mga senatoriables ang kontrobersyal na pahayag ni Saranggani Representative Manny Pacquiao patungkol sa same-sex marriage.

Ayon kay Senador Tito Sotto, hindi siya sang-ayon sa pahayag ni Pacquiao at sa tingin niya ay misguided lang ito.

Para naman kay bayan muna Partylist Congressman Neri Colmenares, “below the belt” ang naging pahayag ni Pacquiao.

Sa panig naman ni Susan “Toots” Ople, kailangan pang malinawan ni Pacquiao sa isyu.

Hindi rin sang-ayon si Attorney Lorna Kapunan sa sinabi ni Pacquiao at sinabing mas mabuti na mag-boksing na lang ito.

Sinagot naman na ito ni Pacquiao at iginiit na nagsasabi lang siya ng totoo.

Speak Your Mind

*