Palaisdaan sa Dagupan, hindi pa epektado ng el nino

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi maapektuhan ng El Nino ang mga palaisdaan sa lungsod ng Dagupan.

Paliwanag ni Dr. Westly Rosario, chief ng BFAR Research Center na malapit ang mga palaisdaan sa bukana ng dagat.

Ang palaisdaan aniya ay posibleng matuyo lamang sa mga fresh water areas gaya ng sa dam.

Iginiit pa ni Rosario na hindi apektado ng pag-init ng panahon ang mga palaisdaan na nanggagaling ang tubig sa dagat.

Sa panahon naman ng tag-init ay pinapayuhan naman ng BFAR ang mga mangingisda na bawasan ang stock na mga isda sa kanilang fishpond.

Speak Your Mind

*