Pamasahe sa point to point bus ng DOTC, tinapyasan

Mas mababa na ang pasahe ngayon sa Point to Point (P2P) bus na may rutang Ortigas hanggang Makati.

Sa twitter account ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, inanunsyo nito ang pagtapyas sa pasahe ng P2P bus mula sa fifty five pesos na standard fare ay magiging fifty pesos na lang.

Epektibo ngayong araw, Pebrero a-bente nwebe, ang nasabing tapyas pasahe sa P2P bus.

Bukod sa bawas-pasahe, inanunsyo rin ng LTFRB na ang HM Transport na ang operator ng naturang bus service simula ngayong Lunes.

Ang P2P bus service ay sinimulan noong Disyembre bilang tugon sa matinding trapiko sa Metro Manila.

Speak Your Mind

*