Pangasinan, nananatilong Polio Free mula taong 2000

Nanatiling polio free ang lalawigan ng Pangasinan mula taong 2000.

Ito ang inihayag ng Provincial Health Office (PHO) sa panayam ng sonshineradio kayat puspusan ang kanilang kampanya na Oral Polio Vaccine (OPV) Immunization.

Ayon kay Dhalia Domantay, Health Education and Promotions Officer HEPO-PHO na lahat ng mga Rural Health Unit at Barangay Health Station ay nagbabakuna sa mga bata edad anim na buwan hanggang tatlong taong gulang.

Ang hakbang na ito ay upang mapanatili ng Provincial Health Office na walang tamaan ang sakit na polio sa lalawigan.

Epektibo naman ngayong araw ang isang linggong kampanya ng PHO sa Massive OPV Immunization simula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, at regular naman itong isinasagawa tuwing bakuna day.

Tiniyak naman ni Domantay na mayroong sapat na suplay na bukana sa lahat ng health center sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*