Pangasinan OFW Desk, tiniyak ang tulong sa mga OFW

Tiniyak ng Pangasinan OFW Desk na handa silang tumulong sa mga Overseas Filipino Workers o OFW na posibleng manganib ang buhay sa pakikipag sapalaran ng magandang buhay sa ibang bansa.

Isa na rito ang mga OFW na posibleng maapektuhan ng mass layoff o pagtatagal ng maraming trabaho sa Middle East bunsod ng pagbulusok ng presyo ng langis sa world market.

Ito ayon kay Christopher Dioquino, Consultant ng OFW Desk-Pangasinan ay patuloy ang kanilang koordinasyon sa Department of Foreign Affairs o DFA-Region 1 at Philippine Embasy upang malaman ang kalagayan ng mga OFW.

Sa ngayon, wala pa naman aniyang natatanggap ang OFW Desk na ulat na mayroong Pangasinense na biktima ng lindol sa Taiwan at sunog sa isang hotel sa Iraq.

Speak Your Mind

*