Pasya ng PDP-Laban na huwag nang mag-endorso ng senatoriables, tanggap

Walang problema para sa ilang senatoriables ang pasya ng PDP-LABAN na huwag na lamang mag-endorso ng senatorial slate sa kanilang kampanya.

Ayon kay Senatoriable Susan “Toots” Ople, personal siyang sinabihan noon ni PDP-Laban Presidential Bet at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ieendorso siya nito.

Pero nirerespeto naman ni Ople ang desisyon ng PDP-LABAN kung sa tingin ng partido’y makakabuti ito sa kampanya ng tambalang Duterte-Cayetano.

Sa kabila ng pasya, inilahad naman ni Ople na sinabihan siya ni Party President Senador Koko Pimentel na maaari pa rin naman siyang magtungo sa mga campaign sorties ng dalawa.

Umaasa naman si Ople na hindi makakaapekto ang pasya ng PDP-LABAN dahil bitbit din naman siya ng iba pang partido.

Si Ople ay iniendorso rin ng tambalang Binay-Honasan, Poe-Escudero, at Santiago-Marcos.

Speak Your Mind

*