Peace Covenant ng mga local candidates sa Urdaneta City, isinagawa

Nagkaisa ang mga local candidates sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan sa paglagda sa isang Peace Covenant na may pangakong itataguyod ang mapayapa at maayos na halalan.

Dumalo maging si Incumbent Urdaneta City Mayor Amadeo Bobom Perez IV kahit na wala siyang kalaban, kasama ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Election (Comelec).

Umaasa naman si Mike Bautista, Election Officer ng Urdaneta na isasapuso at isasabuhay ng mga kandidato ang diwa ng isinagawang Signing of Peace Covenant.

Tiwala naman si P/Supt. Jeff Fanged, hepe ng Urdaneta PNP na magiging payapa ang eleksyon sa lungsod kahit na nasa top 6 election watchlist ang Urdaneta noong nakaraang election sa pamamagitan ng kanilang pina-igting na pagbabantay.

Speak Your Mind

*