PENRO, umapela sa publiko na bantayan ang posibleng pagmulan ng sunog

Umaapela ngayon ang Provincial of Environment and Natural Resources sa publiko na maging mapagbantay sa posibleng maging sanhi ng sunog sa mga kabundukan.

Ayon kay Celso Salazar, CENRO Officer ng DENR-Pangasinan, iwasan ang magtapon ng upos ng sigarilyo, mabilis kumalat ang apoy mula sa masusunog na kugon dahil sa init ng panahon ngayon dal ang nararanasang El Nino.

Mababaliwala lamang aniya ang kanilang pagod at sakrepisyon sa mga plantasyon ng National Greening Program kung ito ay madadamay sa posibleng pag siklab ng grassfire.

Sakali naman aniyang may mahuli na sadyang nanunog ng kabundukan ay maaari itong sampahan ng kasong arson.

Samantala, hinikayat naman si Salazar sa mga taong nagtutungo sa kabundukan na magdala ng kahit isang boteng tubig at diligan ang madadaanan nilang mga punong kahoy.

Speak Your Mind

*