Persons of Interest, tinututukan ng Pangasinan PNP

Tinututukan ngayon ng mga police stations sa bayan at syudad ang mga persons of interest na nasa kanilang listahan.

Ipinaliwanag ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operations ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na prayoridad ng kapulisan na mahuli ang mga nasa listahan.

Kasalukuyan pa ang ginagawang ebalwasyon aniya sa mga nakalistang pangalan kung ang mga ito ay sangkot sa mga illegal na aktibidad.

Kung lalabas na positibo ang ebalwasyon na ang mga ito ay sangkot sa illegal activities ay isasama na sila sa target list na prayoridad na huliin.

Speak Your Mind

*