PESO-Pangasinan, hinikayat ang publiko na pasukin ang trabahong welders

Hindi hadlang ang hindi nakatapos ng pag-aaral kahit man lang sa high school para magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ito ang binigyang diin ni Dida Vicente, Labor Employment Officer II ng Provincial Employment and Service Office (PESO) – Pangasinan at inihalimbawa nito ang isang welder na residente ng soconi sa bayan ng Bugallon.

Ang welder na grade three ang tinapos ay nag-aplay sa isang kilalang kompanya sa bansa sa pamamagitan ng isinagawang Job Fair ng PESO sa Narciso.

Naging inspirasyon naman ng welder sa pag-aaplay ang apat nitong kapatid na nagta-trabaho na sa pinag-aplayan niyang kompanya.

Ayon kay Vicente, paglipas ng ilang taon ay naging maganda ang performance nito at ipinu-promote siya ngunit ayaw naman niya dahil sa antas ng kanyang natapos sa elementarya.

Nakaipon na din umano ang welder at mga kapatid nito na sa ngayon ay nakapundar na sila ng bahay, traysikel at dyip.

Payo ni Vicente na ang mga hindi nakatapos ng high school na tutulungan sila ng PESO na makapag-aplay ng trabaho basta masigasig lamang ang mga ito sa pagtatrabaho.

Speak Your Mind

*