Philhealth, hangad na mas mapalawak ang kanilang serbisyo

PHILHEALTHHangad ng Philhealth sa selebrasyon ng kanilang 21st Anniversary na lahat ng mga Pilipino ay covered ng Philhealth.

Ito ang sinabi ni Rodolfo del Rosario Jr., OIC-Regional Vice President ng Philhealth dahil ang misyon ng ahensya ay universal coverage.

Nais aniya ng Philhealth na pagpunta ng isang may sakit sa government hospital ay may dala-dala na itong Philhealth.

Base sa record nitong December 31, 2015 ang percent ng coverage ng Philhealth sa Ilocos Norte ay 91, habang 98 naman sa Ilocos Sur, sa La Union ay 108 at 94 percent naman sa lalawigan ng Pangasinan.

Paliwanag pa ni Del Rosario na ang ibig sabihinĀ  ng universal coverage, kung dati ang karaniwan na sakit na sakop ng insurance ay medical cases gaya ng dengue, pneumonia, injury ngunit ngayon ay pinalawak na at kasama na ang mga malulubhang sakit tulad ng breast cancer, prostate cancer, cervical cancer at kidney transplant.

Speak Your Mind

*