Philippine National Games, isasagawa sa Pangasinan sa Marso

Isa na namang malaking National Sports Event ang gaganapin sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay ang Philippine National Games (PNG) 2016-National Championships na isasagawa mula Marso a-syete hanggang a-onse sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayan ng Lingayen.

Ang PNG ay isang National Multi-Sport Tournament sa bansa na isinasagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) para maisakatuparan ang mandato na mai-promote ang physical fitness at sports development katuwang ang iba’t ibang departamento at ahensya ng gobyerno, pati na rin pribadong kompanya.

Nais rin na isulong ng administrasyon ni Gov. AmadoT. Espino Jr. na ang Pangasinan ay maging Center of Sports sa rehiyon uno pati na rin sa buong Pilipinas.

Kabilang sa mga National Sports Events na isinagawa na sa Pangasinan ay ang Palarong Pambansa noong 2012 at ang Oska Shikodan Philippines All Shorinryu National Karatedo Tournament noong 2013.

Speak Your Mind

*