Phoenix Fuel, tinalo ang NLEX Road Warriors sa PBA Commissioners Cup

Phoenix Fuel MasterNagawang nasungkit ng Phoenix Fuel Masters ang kanilang kauna-unahang panalo sa kanilang franchise history matapos na talunin ang NLEX Road Warriors sa iskor na 118-106 sa nagpapatuloy na 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Pinagunahan ni RR Garcia ang fuel masters matapos na makagawa ng 33 puntos kasama na ang anim na three-points.

Nakapag-ambag din ng 18 points, 20 rebounds ang import Ng Fuel Master na si Kenny Adeleke habang si JC Intal ay nakapagtala ng 17 points at si Marc Baracael ay nakagawa ng 15 points para tuluyang talunin ang NLEX

Sa unang bahagi ng laro, lamang ang NLEX kontra Phoenix Fuel Masters hanggang matapos ang first half.

Pagsapit naman ng second half, nagawa namang makahabol ng Fuel Masters hanggang makalamang ito at makuha ang kauna-unahang panalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Speak Your Mind

*