Pitumpung katao patay sa pag-atake ng ISIS sa Baghdad

Pitumpung katao ang patay habang higit isandaan ang sugatan sa dalawang suicide bombing sa Baghdad, Iraq.

Ayon sa ulat, sakay ng motor ang suicide bombers nang humalo ito sa mga tao sa isang palengke sa lungsod ng Sadr.

Agad naman inako ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang naturang pag-atake.

Sinabi naman ni Iraqi Prime Minister Haider Al-Abadi na ang naturang pag-atake ay tugon ng ISIS sa sunod-sunod nitong pagkatalo.

Speak Your Mind

*