PNoy, binira si Sen Marcos sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon

Tahasan binira ni Pangulong Noynoy Aquino si Senador Bongbong Marcos na ngayo’y tumatakbo bilang bise presidente.

Sa talumpati ni Pangulong Aquino sa ika-tatlumpung anibersaryo ng EDSA Uno, sinabi niyang dapat ay inamin ng senador na nagkamali ang kanilang pamilya noong ideklara ang martial law na aniya’y naging napaka-sakit na yugto ng kasaysayan.

Giit ng pangulo, kung walang pag-amin, malaki pa rin ang posibilidad na gayahin ng senador ang ginawa ng ama nang pamunuan nito ang bansa.

Sinita rin ni Pangulong Aquino ang tumataas na ratings ni Marcos sa mga survey at pinaalalahanan ang publiko sa ginawa ng pamilya nito.

Sa nakaraang SWS Survey ay nagtabla si Marcos at Senador Francis “Chiz” Escudero sa kandidatura sa pagka-bise presidente.

Speak Your Mind

*