PNoy, pinatutsadahan sina Sen. Marcos at Enrile dahil sa BBL

PNoy EdsaNaglabas ng sama ng loob si Pangulong Noynoy Aquino sa pagkakaantala ng pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law sa kongreso.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng Edsa People Power Revolution, ipinunto ni pangulong aquino na ang BBL ang tanging makapagbibigay katarungan sa mga taga-mindanao.

Binira ni Pangulong Aquino sina Senador Bongbong Marcos at Senador Juan Ponce Enrile na aniya’y nagsilbing hadlang para maipasa ang BBL.

Matatandaang iginigiit ng dalawang senador na labag sa saligang batas ang ilang probisyon ng BBL.

Speak Your Mind

*