PNP, tiniyak ang seguridad sa pagpapasimula ng kampanya

Tiniyak ng Philippine National Police ang seguridad ng mga kandidato sa pagpapasimula ng kampanya para sa eleksyon sa Mayo.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Wilben Mayor, magbibigay ng security escort ang PNP sa lahat ng mga lugar na pagdarausan ng kampanya ng mga kandidato.

Ipinunto rin ni Mayor na magbibigay rin sila ng seguridad partikular sa mga kritikal na lugar para naman sa Oplan Baklas ng Commission on Elections at ng MMDA.

Speak Your Mind

*