PPO-Pangasinan, magpapatupad na sampung checkpoint kada araw

Nakatakdang ipatupad ng Police Provincial Office (PPPO) ang sampung checkpoint kada araw sa bawat bayan at lungsod sa Pangasinan.

Resulta umano ito ang naganap na Joint Provincial Peace and Security Coordinating Council (JPSCC) sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Election (Comelec) bilang paghahanda sa nalalapit Election 2016.

Sinabi ni P/Supt. Ferdinand de Asis, Police Information Officer ng PPO na malaking tulong ang ipinapatupad na checkpoint para mapigilan ang posibleng gumawa ng krimen.

Wala naman daw dapat ipag-alala sa posibleng kakulangan ng puwersa ng kapulisan dahil gagawin nila ito sa pamamagitan ng rotation, shiffting ng mga police personnel at pagdaragdag ng augmentation mula sa Regional Police Office.

Positibo naman ang PPO na makakamit ng probinsya ang mababang shooting insident ngayon taon kung saan noong 2013 election ay nakapagtala ng tatlumpong (30) shooting insident.

Speak Your Mind

*