Premium Airport Bus Service sa NAIA, papasada na bukas

Papasada na bukas ang Premium Airport Bus Service sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Anim na units ng Air21 o UBE Express ang bibiyahe bukas sa NAIA Terminal Three.

Tatlundaang piso kada pasahero ang singil sa premium airport bus na may CCTV, GPS at Wi-Fi.

Ayon kay Transportation Secretary Jun Abaya at Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Winston Ginez, walang isinagawang bidding at sa halip ay selection process lang sa tatlong bus companies.

Dumipensa naman si Abaya sa tanong kung bakit ngayon lang nailunsad ang airport bus service at ipinaliwanag na naging abala siya sa pagsasaayos ng mga problema sa paliparan at sa tren.

Speak Your Mind

*