Presidential debate, posibleng pahabain ng tatlong oras

PINAG-AARALAN na ng Commission on Elections na pahabain ang oras ng mga susunod na presidential debates.

Sinabi ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista na posible umano itong pahabain sa tatlong oras.

Dapat kasi umanong matuto sa mga leksyon ng nakalipas na debate kaya maaari pang pagbutihin ang format at mas mahabang oras ng debate.

Sinabi pa ni Bautista na ang susunod na format ay panel system na at mayroong pag-aaral na ginawa kumpara sa unang debate na ipinattern o kinopya sa CNN Republican debate.

Inaassess o pinag-aaralan na rin umano ng Comelec kung ano ba ang angkop sa kultura ng mga Pilipino.

Speak Your Mind

*