Presyo ng bangus sa Dagupan, inaasahang tataas pa

bangusInaasahang mas tataas pa ang presyo ng bangus sa lungsod ng Dagupan dahil sa kakaunting suplay nito bulot ng nararanasang malamig na panahon.

Ngayong papalapit na Mahal na Araw, pinangangabahan din ang kakulangan ng suplay dahil sa pagtaas ng demand at posibleng mas makaapekto sa presyuhan ng bangus.

Sa ngayon, tumaas na ng halos tig sampung piso kada kilo ang presyo ng bangus, ang dating P75 kada kilo ng maliliit na bangus, ngayon at mabibili ng P85-P90 kada kilo.

Ayon kay Rollie Dulay, Dagupan City Agriculture Technologiest, naaapektuhan ang paglaki ng bangus tuwing malamig ang panahon dahil humihina ang kanilang pagkain.

Speak Your Mind

*