Presyo ng mga basic commodities sa Pangasinan, nananatiling matatag

Nananatiling matatag o stable ang presyo ng mga basic commodities sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Marjury Lorezco, Chief Trade and Industry Development Specialist of DTI-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshineradio.

Sinabi pa ni Lorezco na batay sa ibinigay na Suggested Retail Price (SRP) ng mga manufacturer sa lalawigan ay nasusunod naman ng mga retailer at kung minsan pa ay mas mababa sa SRP.

Bunsod naman ng bumababang presyo ng produktong petrolyo, nakikipag-ugnayan na ang DTI sa mga manufacturer na maglabas ng bagong SRP nang mas mababa sa dating ipinapatupad na suggested retail price.

Ayon pa kay Lorezco, malaking katipiran para sa mga consumer kung mababawasan kahit sampung sintabo ang presyo ng mga bilihin dahil sa oil price reduction.

Speak Your Mind

*