Presyo ng mga bulaklak, tumaas na ilang araw bago ang Valentine’s Day

Tumaas na ang presyo ng mga bulaklak ilang araw bago ang Valentine’s Day.

Sa pag-iikot ng sonshine radio sa Dangwa, Maynila, papalo na sa tatlong daang piso ang kada dosena ng rosas habang naglalaro naman sa isangdaan at limampung piso hanggang dalawang daan ang presyo ng carnation.

Halos dumoble rin ang presyo ng ilang mga imported na bulaklak gaya ng orchids na nagkakahalaga ng pitong daan at limampung piso hanggang walong daang piso.

Ang imported na bulaklak na paper roses at china roses, tumaas na rin ang presyo sa dalawang daan at pitong daang piso kada bugkos.

Speak Your Mind

*