Presyo ng mga highland vegetable sa Urdaneta City, tumaas na

Highland VegetableApektado na ang presyo ng mga highland vegetable sa Bagsakan Market sa Urdaneta City dahil sa malamig na klima sa lungsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet.

Ayon kay Cezar Estoesta, City Agriculture Officer ng Urdaneta, naaapektuhan ang paglaki ng ilang highland vegetable tulad ng repolyo at patatas kayat tumaas na ang presyo nito sa P5 hanggang P10 kada kilo.

Sinabi naman ni Estoesta na hindi naman gumalaw ng presyo ng ilang highland vegetable gaya ng lettuce, carrots, pipino, broccoli at baguio beans.

Nananatili namang maganda ng presyuhan ng mga lowland vegetable sa Bagsakan Market na karaniwang nagmumula sa ilang distrito ng pangasinan at mga karatig lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija.

Sa ngayon, mabibili pa ang talong sa P20-P25 kada kilo, ampalaya nasa P30-P35 kada kilo, okra nanatili ang presyo sa P8-P10 kada kilo at ang kamatis ay nasa P25 ang kada kilo.

Speak Your Mind

*