Presyo ng mga pangunahin sa Pangasinan, mahigpit na minomonitor

Mahigpit ang ginagawang pagmomonitor ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng mga pangunahin at mahahalagang bilihin sa merkado.

Ayon kay Engr. Peter Mangabat, provincial Director ng DTI-Pangasinan lalo’t masyadong kritikal ngayong panahon dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Nakatakdang magpulong namang magpulong-pulong ang DTI, Department of Agriculture, Department of Health at mga retailers at manufacturers sa maynila para naman sa planong pagbaba ng Suggested Retail Price (SRP) ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Mangabat na nitong nakalipas na dalawang linggo ay ipinapagawa sa DTI ang revised adjusted prices.

Malamang aniya na bababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagbaba rin ng presyo ng produktong petrolyo.

Speak Your Mind

*