Produksyon ng tipalia sa Pangasinan, posibleng maapektuhan ng El Nino

tilapiaPinangangambahan rin na maapektuhan ang produksyon ng tipalia sa lalawigan ng Pangasinan dulot ng nararanasang El Nino Phenomenum.

Dahil sa mainit na panahon, unti-unti nang natutuyo ang tubig ng aabot sa 1,362 ektaryang palaisdaan na nag-aalaga ng tilapia sa lalawigan.

Ayon kay Zeny Ugaban, Agriculture Officer ng bayan ng Bayambang kung magtutuloy-tuloy ang nararanasang tag-init ay posibleng maapektuhan ang produksyon ng isdang tabang.

Kasabay nito, mas mabuti parin ani Ugaban na imonitor mabuti ang pagpapakain, bantayan ang lebel ng tubig at bawasan ang stock ng inaalagang isda.

Bagamat may mapagkukunan ng mga fingerling ng tilapia para sa ma palaisdaan sa bayambang, inihahanda narin ng Agriculture Office ang normal ng pag-aalaga ng tilapia sa mga kailugan.

Speak Your Mind

*