Programa ng PHO ngayong Dental Month, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang programa ng Provincial Health Office (Pho) sa selebrasyon ng Dental Month ngayong pebrero.

Sa panayam ng sonshineradio sinabi ni Dhalia Domantay, Health Education and Promotions Officer ng PHO na epektibong ipinapatupad parin ang tooth brusing sa lahat ng mag-aaral ng elementarya sa apat na syuidad ng Pangasinan.

Bagamat natapos na matagumpay din ayon kay Domantay ang inilunsad ng PHO na “Guhit Bulilit” sa mga mag-aaral na nasa ika-apat at ika-limang baitang sa elementarya at ang “Healthy Smile” para naman sa mga pre-scholers at senior citizen.

Ang Guhit Bulilit ay taon-taong aktibidad na ginagawa kabilang na ang slogan at poster making contest habang ang “Healthy Smile ay para sa mga bata na Kumpleto at walang cavities ang mga ngipin.

Layunin naman ang masabing mga aktibidad na ibukas ang kaisipan ng mga bata sa regular na pagto-tooth brush tatlong beses isang araw upang maiwasan ang pagkasira ng kanilang ngipin.

Speak Your Mind

*