Prosekusyon, tutol sa hirit ni dating PNP chief Razon na makapagpa-check-up

Tinutulan ng prosekusyon ang hiling ni dating Philippine National Police Chief Avelino Razon sa Sandiganbayan na magpa-medical checkup.

Sa komento ng prosekusyon sa hirit ni Razon, hindi na dapat pang pagbigyan ito dahil sa ibinasura na ng Korte ang petition for bail ng dating PNP Official.

Posible rin umanong maging “bad precedent” at “mockery of justice” kung payagang makalabas ng kulungan si Razon.

Sa mosyon ni Razon ay nais nitong makapagpa-check-up sa St. Lukes sa Pebrero a-kinse at a-disi otso.

Speak Your Mind

*