Proyektong Angat Pa, Pinas!, pinagmalaki ng BIR

Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue o BIR na mayroong pinatutunguhan ang buwis na ibinabayad sa gobyerno sa pamamagitan ng proyektong Angat Pa, Pinas!

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, gaano man kalaki o kaliit ang kontribusyon ng mga taxpayer, malaki parin ang maitutulong nito para sa ikatatagumpay ng bawat proyekto ng pamahalaan tungo sa maunlad na ekonomiya.

Ipinagmalaki pa ni Henares ang naturang advocacy campaign ng BIR na bahagi ng kanilang mas malaking Revenue Administration Reform Project.

Kasabay nito, inilunsad din ng BIR ang kanilang infomercial, kaugnay sa makabagong paraan ng pagpo-proseso ng pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng electronic filing o E-Filing.

Speak Your Mind

*