Publiko, binalaan sa pagbili ng mga hair dye galing sa Europe

Nagbabala ang Ecowaste Coalition sa publiko na huwag bibili ng mga hair dye o pangkulay ng buhok na galing sa bansang Europe.

Ito ay makaraang tumanggap ng advisory na ilang mga hair dye na naka-ban sa nasabing bansa ang kasalukuyang nakakalat ngayon at mabenta sa mga pamilihan sa Pilipinas.

Sa ulat ng European Union’s Rapid Alert System for Dangerous Non-Food (RAPEX), ipinagbawal at kinumpiska na ang mga produkto ng “Bigen Permanent Powder Hair Colour”, “Blasol Powder Hair Colouring Formula” at “JR Beauty Organics Permanent Powder Hair Colour” na pawang nagtataglay ng sodium perborate, at toxic boron compound.

Ayon kay Thony Dizon, Ecowaste Coalition’s Project Coordinator, ang mga produktong nabanggit ay mabibili umano sa major department stores, pharmacies at supermarkets, gayung ito ay naka-ban sa Europe.

Mapanganib umano sa kalusugan ng tao ang nasabing kemikal lalo na sa mga buntis.

Speak Your Mind

*