Pulse Asia at SWS, pinabulaanan ang umano’y pag-aalok ng pera

Pinabulaanan ng Pulse Asia ang mga pahayag ng ilang senatoriables na may nag-alok sa kanila na mapataas ang ranking sa survey kapalit ng pera.

Sa panayam ng dzar sonshine radio kay Professor Ronnie Holmes, Presidente ng Pulse asia, sinabi nitong posibleng may mga tao o grupo na ginagamit lang ang mga survey firms ngayong eleksyon.

Pero pagtitiyak ni Holmes, walang sinuman o anumang nang-iimpluwensya sa kanila sa pagsasagawa ng survey.

Punto pa ni Holmes, confidential ang mga technical details na bahagi ng proseso ng kanilang mga survey.

Kinondena rin ni Holmes ang aniya’y panggagamit ng ilang mga grupo sa mga survey firms para sirain ang kanilang mga organisasyon.

Pinabulaanan na rin ng Social Weather Stations (SWS) ang umano’y extortion.

Speak Your Mind

*