Madonna, posibleng tuluyan ng i-ban ang pag-concert sa bansa

Pinag-aaralan ngayon ng gobiyerno ng Pilipinas na i-ban o tuluyang ipagbawal ang pag-konsiyerto sa bansa ni Queen of Pop Madonna.

Ito ay matapos bastusin ng singer ang bandila ng Pilipinas sa kaniyang konsiyerto sa Mall of Asia noong nakaraang linggo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, plano ng Malakanyang na huwag ng payagang makapag-konsiyerto sa bansa ang Queen of Pop.

Ayon sa Malakanyang, magsisilbi itong wake-up call sa lahat ng mga lumalapastangan sa watawat ng Pilipinas.

Pabor rin si Communications Undersecretary Manolo Quezon III na mapanagot ang organizer ng concert ni Madonna.

Una nang nanawagan ang ilang Roman Catholic Bishops sa Pilipinas na i-boycott ang concert ni Madonna dahil gawa daw ng demonyo ang kaniyang mga performances.

Speak Your Mind

*