Regular Driver License, maaari na uling makuha sa mga LTO District Office.

Maaari ng makakuha ng regular driver license card sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) Lingayen District Office.

Ito ang nilinaw ni LTO Chief Engr. Eric Suriben sa panayam ng sonshineradio makaraang magkaroon ng kaunting aberya sa distribution card sa Central Office.

Ayon kay Suriben, dumating na ang karagdagang card noong nakaraang linggo kayat maaari nang magproseso ang mga magre-renew ng professional at non-proffesional driver license card.

Ganundin sa mga nakapag-proseso na ng lisenya ngunit hindi pa nakukuha ang maaari nang magtungo sa kanilang tanggapan.

Maliban sa Lingayen, lahat aniya ng mga LTO District Office sa Pangasinan ay mayroon ng license card na ipinamahagi ng Regional Office.

Pansamantala naman nakabinbin ang mga conductors license card dahil sa kakulangan pa ng suplay nito.

Speak Your Mind

*