Reshuffling sa lahat ng mga Comelec Provincial Supervisor, kinumpirma

Nagkakaroon ng reshuffling sa lahat ng mga Comelec Provincial Supervisor sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Marino Salas, Comelec Supervisor ng Pangasinan sa isinagawang Joint Provincial Peace and Security Coordinating Council (JPSCC) ng hanay ng AFP, PNP at Comelec.

Ayon kay Salas ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagdududa sa kanilang hanay at mapanatili ang kridibilidad ng komisyon.

Idinagdag pa ni Salas na tuwing eleksyon naman ay nagkakaroon ng reshuffling para mapanatili ang maayos, patas at malinis na halalan.

Posible rin umanong magpatupad ng balasahan sa mga election officer sa bawat bayan at syudad sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*