Reshuffling sa mga Comelec Provincial Supervisor, epektibo na ngayong araw

Epektibo ngayong araw ang reshuffling ng lahat ng mga comelec provincial supervisor sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ni out going Election Supervisor Atty. Marino Salas, na itatalaga bilang bagong Election Supervisor ng Ilocus Norte habang papalit naman sa kanya si Atty. Joel Ginez, ang dating Election Supervisor ng La Union.

Ayon kay Salas ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagdududa sa kanilang hanay, para hindi masabi na bais ang isang Comelec Supervisor dahil na-stablish ng relasyon sa incumbent officials at mapanatili ang kridibilidad ng komisyon.

Idinagdag pa ni Salas na bahagi na ng kanilang trabaho na tuwing eleksyon ay nagkakaroon ng reshuffling para mapanatili ang maayos, patas at malinis na halalan.

Posible rin umanong magpatupad ng balasahan sa mga election officer sa bawat bayan at syudad sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*