Sapat na suplay ng anti-rabies vaccine sa Dagupan, tiniyak

Anti_rabbies VaccineTiniyak ng Veterinary Office sa lungsod ng Dagupan na sapat ang suplay ng anti-rabies vaccine.

Ayon kay Dr. Conrado Fernandez, City Veterinarian na ang vaccine ay mula sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Department of Agriculture Region one ay ibinibigay ito sa Provincial Veterinary Office at duon kumukuha ng suplay ang city government.

Sa ngayon ay wala pang na-ireport sa kanilang opisina na biktima ng rabies ngunit mayroon aniyang mga nakakagat ng aso.

Sinabi ni Fernandez na kapag kinagat ng aso ang isang tao ay mayroong dahilan maaring kumakain ito, naapakan, bagong panganak at nasaktan.

Gayunman kung kinagat aniya ng aso ang tao ng walang dahilan ay may posibilidad na may rabies ang hayop.

Dagdag niya na sa isang daang aso ay maaring isa o dalawa lamang ang may rabies.

Speak Your Mind

*