Saudi Arabia at iba pang bansa, nagkasundong itigil muna ang produksyon ng langis

Nagkasundo ang mga bansang Russia, Saudi Arabia, Venezuela, Qatar at iba pang bansa na pansamantala munang itigil ang produksyon ng langis.

Ito ay para muling mapataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos ang pagsadsad ng presyo nito dahil sa overproduction.

Dahil sa pagsadsad ng presyo ng langis, maraming mga trabahador mula sa middle east ang na lay off sa kanilang kumpanyang pinapasukan.

Base sa datos ng Philippine Association of Service Exporters, Inc. (PASEI), nasa halos apat na libong mga Overseas Filipino Workers o OFW sa gitnang silangan ang nakakaranas ng retrenchment.

Speak Your Mind

*