SBP, hindi pa naghahanda para sa Manila Leg ng Olympic Qualifying Tournament

Hindi pa rin makapagsimula ang Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP sa kanilang paghahanda para sa nalalapit na Manila Leg ng Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo.

Sinabi ni SBP Executive Director Sonny Barrios na hinihintay pa nila ang magiging pasya ng pamunuan ng Los Angeles Lakers ng NBA kung maaaring makapaglaro ang Fil-Am Player na si Jordan Clarkson.

Nananatiling balakid aniya ang kontrata ni Clarkson para makapaglaro ito sa National Team.

Gayunman, umaasa ang SBP na makukuha na Pilipinas ang serbisyo ni Clarkson.

Speak Your Mind

*