Search for 2016 Outstanding Pangasinenses, ikinasa na

Ikinasa na ng Provincial Government ng Pangasinan ang Search for 2016 Outstanding Pangasinenses na bibigyang parangal bilang ASNA Awardees.

Ang ASNA Awards ay taunang aktibidad sa selebrasyon ng Pangasinan Day o Agew na Pangasinan.

Ito ay bilang pagkilala sa mga Pangasinenses na nag-alay ng natatanging dedikasyon sa kanilang propesyun na nagresulta naman sa outstanding nilang kontribusyon para sa kapakanan ng mamamayan sa Pangasinan at sa buong bansa.

Ang nomination form ay maaaring idownload sa internet.

Ang deadline ng pagsusumite ng nominasyon sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office ay sa March 16, 2016.

Ang awarding naman ay isasagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng 436th Agew Na Pangasinan.

Speak Your Mind

*