Search for Limgas na Pangasinan 2016, kasado na

Limgas na PangasinanKasado na ang search for Limgas na Pangasinan 2016.

Hinihikayat ni Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) Ma. Luisa A. Elduayan ang mga babaeng pangasinense, edad disi sais hanggang bente tres, at least 5’4” ang taas na sumali sa nabanggit na prestigious pageant.

Ayon kay Elduayan, isasagawa ang screening sa February 27, 28, March 5 at 6, mula ala una hanggang ala singko ng hapon sa second floor conference room ng Malong Building sa Capitol Compound, bayan ng Lingayen.

Ang mga sasali ay kinakailangang tunay at residente ng Pangasinan ng mga anim na buwan, may good communication skills at good moral character.

Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng fully accomplished application form, isang kopya ng 2 by 2 na litrato na isang whole body at isang close-up, kopya ng high school o college diploma, kopya ng birth certificate, barangay certificate at police clearance.

Magdala rin ng isang cocktail dress, two-piece swimsuit at mga tatlong inches na high-heeled na sapatos.

Speak Your Mind

*